'No winner' sa P130-M ng Grand Lotto - PCSO

TOP STORIES
Typography

Bigo pa ring mapalunan ng mga mananaya sa lotto ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang winning number combinattions ay binubuo ng 23-24-47-43-53-07 kung saan ang premyo ay nasa P130,819,492.00.

Dahil sa walang nanalo sa Grand Lotto draw, posibleng papalo sa halos P138 million ang premyo sa susunod na bolahan. Samantala wala ring nanalo sa 6/45 Megalotto sa winning number combinations na 24-20-45-37-33-16 na may jackpot price na umaabot sa P57,003,668.00.

Magugunitang noong Hulyo 1 lamang ay isa ang bwenas na nakakuha ng jackpot prize na umabot ng P178.849 million para sa kombinasyon na 09-21-43-35-54-12.

Napanalunan naman ng isang taga-Olongapo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery na nagkakahalaga ng P741,176,323.20.

Ang 6/55 Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa punong tanggapan ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.