10 pang MNLF members sumuko ngayon

TOP STORIES
Typography

ZAMBOANGA CITY - Umaabot sa 10 pang panibagong mga MNLF members ang sumuko ngayong umaga matapos ang nangyaring negosasyon.

Batay sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo, ang mga nag-surrender na MNLF fighters ay mula sa pagkakanlong sa Barangay Sta. Catalina.

Ang naturang development ay sa gitna na rin nang patuloy na manaka-nakang putukan na nasa ika-11 na ngayon ang standoff.

Una rito, isang sundalo ang nasawi kaninang madaling araw sa panibagong sagupaan sa Barangay Sta. Catalina.

Sinasabing napatay ang sundalo mula sa sniper fire. Dahil dito nasa 10 na ang bilang ng mga sundalo na casualties. Ito rin ay kinumpirma ni AFP PIO chief Lt. Col. Ramon Zagala.